Saturday, April 28, 2012

after a year…

well, it’s been a year since binuksan ko yung account na to… because of the events that transpired since the last time na inopen ko itong account na to, naging busy nako at wala nang time para makapag sulat… i miss writing, and i’m about to tell the major events that happened…

well, after nung last post ko (according to the date na nasa post ko, around May 23, 2011), grumaduate ako sa UST, gaining my BSA degree, and now preparing for the October 2011 CPA board exam… let’s start from there…

October 17, 2011, the day I found out the results… The tension was high nung time na yun… Lahat ng mga kaklase ko ay restless beacuse any minute, the results will be released… Nakatulog kasi ako nun eh, so mga around 1:30-2 PM, as I accessed my FB account, everybody from my batch ay nagsasabi na nakapasa sila, and they are now CPAs. Tapos yung isa suddenly congratulated me, sayin that I also passed the board… Nung una, hindi ako makapaniwala, but then he showed me the site where he found the results… At sa wakas, naniwala ako na isa na akong Certified Public Accountant… A very glorious triumph indeed… Nagbunga na din ang lahat ng paghihirap ko at ng aking mga magulang… Sa wakas, may maipagyayabang na din ako…

December 12, 2011, my first day at work… Hindi ako pumasok sa accounting firm, kasi ayoko ng stress level dun… i mean lahat ng trabaho ay may stress, pero para sa akin, fairly compensated ka kahit mag OT ka kung nagtatrabaho ka sa private kesa sa accounting firm, and i want to prove to my batch mates that I can be successful even though hindi ako pumasok sa accounting firm… As time goes by, nagkaroon ako ng mga bagong kaibigan, and eventualy, a new girl that catched my attention, and i think this is the main focus of this writing…

Nung una, hindi naman talaga kami close, kasi iba ang kasama niya, while iba naman yung sa akin… Actually, hindi siya yung tipo ko… Oo maganda siya, pero mas gusto ko kasi yung simple na ganda lang, tapos tahimik… Nung lumipat na kami sa bagong building, dun na nagsimula ang lahat… Nagkaroon ng tuksuan, kasi pinapili siya kung sino gusto niya dun sa dalawa kong ka officemates, pero ako ang napili niya… at dun nagsimula ang lahat… I treated her like a real girlfriend, pero alam ko na ang tingin lang niya sa akin ay isang kaibigan, at isang boyfriend sa oras ng lokohan, asaran at tuksuhan… And she is the reason why i’m depressed right now… How i wish na sana totoo na lang ang asaran namin… Last night, nag usap kami, and i told her kung bakit tahimik ako kahapon… sinabi ko sa kanya na naiinis ako sa sarili ko, dahil naiinlove ako sa isang taong nagpapakita sa akin ng kabaitan, o yung masyado siyang napapalapit sa akin, at natatakot akong mareject… Hindi na siya nagreply nun…

So many things happened sa loob ng isang taon… And yet, hindi pa din ako natututo sa mga pagkakamali ng nakaraan… I feel she’s now ignoring me, and i hope nagkakamali ako… Kasi hindi ko yun kakayanin… Nagsasasawa na ko sa paulit-ulit na pagkakamali, sana eto na yung huli…

Monday, May 23, 2011

sa buhay ng tao, may mga taong pumapasok sa buhay mo, at ituturing mong kaibigan… Alam mo yun? Yung itinuring mo silang mga taong malalapit sa puso mo, pero ang totoo pala ay isa ka lang sa mga taong dumadaan lang sa harapan nila… Yung kumbagang “Padaan po ah…” o yung “Pwede po bang makiraan?” parang ganun… Pero narealize ko, na sa dinami-dami ng mga taong dumadaan sa harap ko, iilan lang yung mga tumatayo sa harapan ko at nagsasabing, “Hi! pwede bang makipagkilala?”

Narealize ko  na swerte pa din ako… kasi nakilala ko yung mga taong hindi ako iniwan kahit bagyuhin man kami o magkaron ng lindol… yung isa ay hindi ko alam kung umalis na or what… Oo kasalan ko din yun… May mga pangyayari kasi na pwedeng magpaalis sa kanya sa harapan mo… hanggang ngayon dala ko yun… kaya nga yung mga natitira ay binibigyan ko na ng importansya… kasi hindi ko alam kung susunod na din silang aalis at maiiwan ulit akong mag-isa…

Inaamin ko, OO TAKOT AKO NA MAIWAN MAG-ISA!!! yun ang isang bagay na kinakatakutan ko sa buong buhay ko…kaya nga habang may oras pa, ginagawa ko ang lahat para maging masaya kasama sila…

Monday, February 14, 2011

:)

i forgot to invest for this year… but the following lines from the song “Beautiful in my eyes” summarizes what I really feel…

“You’re my peace of mind in this crazy world.

You’re everything I’ve tried to find, your love is a pearl.

You’re my Mona Lisa, you’re my rainbow skies,

and my only prayer is that you realize

you’ll always be beautiful in my eyes.”

:)

Thursday, December 2, 2010

I just can’t stop looking at her all day, thinking that someday, I will be a part of her world… :)

Wednesday, October 27, 2010
Monday, October 18, 2010

siguro nabibigla lang ako sa mga nangyayari, kaya ko to naiisip… ayoko din namang mangyari kung ano man yung nasa isip ko, siguro hindi pa din ako nagbabago… pero siguro yung pananahimik ko, yung hindi ko pagintindi sa mga nangyayari, yun ang dapat kong gawin… mabuhay ng walang iniintindi kundi ang pag aaral, yun na lan siguro yung dapat gawin, para naman kahit papaano, malihis yung attention ko…

Tuesday, September 7, 2010

who to blame?

pag nagkaroon ng isang departmental exam (yung kumbaga yung exam iisang prof lang ang gumawa para sa lahat) tapos hindi maganda yung naging resulta at sunud-sunod mong hindi nabawi, sino ba ang dapat sisihin? yung prof ba na gumawa nung exam? yung sarili mong prof na nagtuturo sa inyo? o yung sarili mo? let’s analyze…

1.) yung prof na gumawa nung exam

pwede siyang sisihin because of the unfairness… tignan mo, it seems that yung mga tinuturo niya dun sa mga klase niya ay may possibility na lumabas sa exam na siya din yung gumawa, making his/her class in favor of passing… eh pano naman yung mga hindi niya hawak? maghihintay na lang ng grasya mula sa ibang tao? at merong mga items na lumabas sa exam na naituro niya sa klase niya… eh pano naman yung hindi niya hawak? ayun, magtataka kung bakit ganun…

2.) yung sarili mong prof

pwede din diyang sisihin kasi merong mga prof na hindi COMPETENT dun sa subject na tinuturuan niya… bakit naman kasi dun siya nilagay pero alam din naman ng admin na wala siyang backround about the subject? ano yung mga students? lab rats? ayos ah… pero seriously, meron din kasing hindi alam yung sarili mong prof na alam nung prof na gumawa nung exam… i mean, malay ba nung prof kung ano yung mga lalabas sa exam… baka may tinuro yung prof na gumawa ng exam sa klase niya na wala sa libro… kaya yung iba, ayaw nang makinig sa prof na yun kasi KAHIT ANONG PAKIKINIG SA KANYA, KUNG WALA TALAGA, EH DI WALA…

3.) yung student

oo isa akong estudyante, pero hindi ako magiging bias about this… pwede din siyang masisi kasi baka hindi siya nakikinig sa mga lectures, o gumagawa ng diskarte like kumuha ng mga handouts o magpaturo… meron din namang mga estudyante na satisfied na sa mga narinig niya tungkol dun sa lesson at hindi magtanong sa mga possibilities na lalabas… meron din namang mga estudyante na ayaw makinig sa mga prof kasi paniwala nila, hindi siya competent… meron din namang kelangan na ng tulong, pero hindi maamin sa sarili, at meron din namang super dependent sa isang prof na kadalasan, ay hindi competent…

ANG AKING SAGOT…

sa aking palagay, masasabi ko na lahat sila ay pwedeng masisi… bakit? dun tayo sa prof na gumagawa ng exam, bakit ka naman magbibigay ng exam na yung mga nasasagutan sa libro ay napakasimple at halos magsawa ka na kakasagot tapos pagdating sa exam ay halos malula ka sa sobrang hirap at kulang na lang ay mahulog ka sa kinauupuan mo? o yung gumawa ng exam na kakaunti lang yung items(raw score) tapos equal weight lang? yung tipong 3.5 bawat number, pag marami kang mali, BINGO!!! sana gumawa siya ng exam na merong pambawi, like multiple choice…

dun tayo sa prof na isa… bakit ka naman magpapasok ng prof na wala naman sigurong backround dun sa subject? sana naman, kung nagbibigay siya ng mga extrang sasagutan maliban sa libro, baka makatulong… kasi minsan, yung mga nasa libro ay simple lamang para maintindihan ng student…gusto ko lang i-quote yung sinabi ng isa kong kaibigan, “meron talagang mga prof na may MALASAKIT sa kanyang mga students”. makikita mo naman sa isang tao kung talagang may malasakit siya sa kapwa, pero wala naman tayong magagawa kasi ginagawa lang naman niya yung trabaho niya… pero sana makita niya na yung mga estudyante niya ay binibigay na yung BEST nila, na halos mapuyat kakareview, umiinom ng lipovitan at sting ng sabay para manatiling gising sa madaling araw, basahin ang lahat ng mga libro, at magkulong sa kwarto para mag-aral… 

lastly, dun tayo sa student… may mga student kasi na HINDI INAAMIN sa sarili niya na hindi niya kelangan ng tulong… yung kumbaga kaya mong mabuhay ng mag isa… pero natutunan ko na hindi pala yun kaya… sa bandang huli, kakailanganin mo ng karamay… LESSON: wag masyadong mag-feeling!!! sana kahit papaano ay basahin na ng maaga yung mga susunod na lesson para kahit papaano ay may idea ka na… tapos wag mahiyang magpaturo sa iba… at manghingi ng mga extra resources… ayun…

sa mga taong makakabasa nito, kung may tamaan man, pasensya na po… gusto lang po ilabas ng manunulat yung kanyang nararamdaman at yung nararamdaman ng mga taong nakakausap niya na may kaparehas na karanasan… siguro lumalagpas na ako sa “red line”… kung may mga gusto na ipatanggal ang article na ito, handa ang manunulat na tanggalin ito… maraming salamat po…

Saturday, July 3, 2010
veejeiveej:

(via aldiedandie, thatslove)
Wednesday, May 26, 2010
liaqian2:

makemybedrock:

Yeaaa

(via erraticecstasy)
Monday, May 24, 2010